\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/1615435-Emo
Item Icon
Rated: E · Fiction · Writing · #1615435
wiw ! sa wakas nakapagsulat na rin ako ng isang maikling kwento
EMO – bigla na lang nauso ang salitang ito na madalas gamitin para pantukoy sa mga taong nagda-drama o nagmumukmok. Napalitan na ng salitang ito yung dating usong salita na “senti” para pantukoy dun sa mga taong malungkot at naglulungkot-lungkutan. Pero saan nga ba talaga nagmula ang salitang ito?

First year college ako nung ma-encounter ko yung salitang ito. Pinakinig sa akin ng isang kong kaklase yung bago niyang cd ng isang banda na ang pangalan ay Glassjaw. Nung una kong narinig yun, halos wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nung vocalist kasi puro pasigaw lahat ng mga salita niya. Madalas din na sumigaw siya na parang maduduwal. Sabi nung kaklase ko, emo daw yung tugtugan nila. Nung niresearch ko siya dati, sabi ng isang music website na hindi ko na maalala kung ano, na ang emo music or emo(tional) rock ay isang uri ng rock na may elemento ng punk, at kung minsan ay may metal rin, na nilapatan ng mga lyrics na tumutukoy sa pagkasawi ng isang tao sa pag-ibig. Mula nito, isa-isa ko nang narinig yung mga bandang Thursday, Dashboard Confessional, Taking Back Sunday, Student Rick, at Finch na puro sawing pag-ibig ang madalas na tema. Kung paulit-ulit mo ngang papakinggan ang mga ito ay either made-depress ka sa mga madadramang lyrics nila o maaalibadbaran sa ingay ng tugtugan nila.

Pagkatapos nito, madalas na naming gamitin ang salitang EMO sa iba’t-ibang sitwasyon. For example, kapag makikita naming yung isang friend naming na nagmumukmok sa sulok, sasabihin naming sa kanya na: “O, ang emo mo diyan ha!” o kaya ay “Bat ba ang emo mo?”. Simula nun, naririnig na rin namin na gamit na rin ito bilang expression ng iba’t-ibang mga tao.

Nakakaasar lang minsan dahil nagiging masyado nang nagiging overrated ang pagiging EMO o ang paggamit ng konsepto ng EMO ng mga kabataan ngayon. Madalas na silang nagiging madrama (dahil na rin siguro ito sa kanilang teenage angst) at umaabot na sa borderline ng pagkakaroon ng self-pity. Ito na marahil ang effect ng sa mga kabataan ngayon.
© Copyright 2009 rednote (mjmanagement at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/1615435-Emo