\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/2066673-Sweetest-Revenge
Item Icon
\"Reading Printer Friendly Page Tell A Friend
No ratings.
Rated: 13+ · Short Story · Comedy · #2066673
This is a story of a boss and an employee
Sweetest Revenge

Written by: HOBadGirl07



"Hay naku Maritess! Lagi na lang bang ganyan?!Limang taon na alam mo ba yun? Limang taon ka nang nagtatrabaho dito pero hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang gagawin. Bakit walang improvement ha?! Umayos ka nga! Late ka na nga kanina tapos ngayon naman hindi mo pa pala tapos yung documents na kailangan ko. Noong isang araw ko pa yun ipinapagawa sayo ah. Ano bang masimportante pang bagay ang ginagawa mo at hindi mo mauna-una ang trabaho mo? Anong petsa na?!"
Inuuna ko kasi ang pagpapagawa ko ng nitso mo kaya hindi ko agad natapos yung trabaho ko sa kompanya.
Hay naku! Ano pa bang bago?! Araw-araw kaya siyang ganyan. Nagbubunganga na naman ang napakaganda kong boss. Dinaig pa ang nanay ko sa pagtatalak. Palibhasa kasi masyondang dalaga kaya ayan, palaging mainit ang ulo. Hindi kagaya ko na young and fresh.
Maayos naman akong magtarabaho. Hindi ko lang talaga maisip kung bakit hindi siya masatisfied sa mga ginagawa kong effort.

"Ayy Ma'am, October 9, 2013 po, Miyerkules."
Nakangiti kong sabi sa kanya habang inaayos ko ang medyo gusot kong palda na isang dangkal lang ang haba. Hindi ko na kasi masyado naplantsa kanina dahil malelate na nga ako.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kilay niya na hindi nagpapantay at ang mukha niyang nagtataray. Kung pwede lang na makipag ismiran ako sa kanya maghapon, ginawa ko na. Tumalikod siya sa akin kaya naman umakto akong parang titirisin siya ng pinong-pino. Agad naman siyang humarap kaya nagpatay malisya na lang ako, kunwari.

"Tinatanong niyo po kung anong petsa na 'di ba? Sinagot ko lang po yung tanong niyo."
Kaswal kong pagkakasabi sa kanya. Totoo naman, sabi niya kanina 'anong petsa na?' Buti nga at dinagdagan ko yung sagot dahil baka itanong pa niya kung anong araw ngayon.

"Argh! Maritess! Umayos ka! Umalis ka na nga sa harap ko bago pa magdilim ang paningin ko!"
Pasigaw na sabi ni Ma'am Lala, may paghampas pa ng kamay sa lamesa at pagtayo sa upuan niya. Akala mo artista siya sa isang telenobelang napapanood sa gabi. Ano bang problema niya? Nagtatanong-tanong tapos nung sinagot ko magagalit sa akin.

"Ma'am, ang pinakamaganda niyo pong gawin ay magpacheck up sa mata para hindi kayo pagdiliman ng paningin"
Magsasalita pa sana siya kaso inunahan ko na.
"Bye Ma'am! Gagawin ko na po yung documents na kailangan niyo."
Nagwave ako ng kamay sa kanya habang lumalabas ng opisina niya. Kitang kita ko sa dingding niyang gawa sa salamin na inis na inis ang kanyang mukha habang hinahaplos ang kanyang sentido. Nakangiti pa rin ako habang lumalakad. Pansin ko rin ang pagtingin ng mga ka officemates ko. Sa lahat kasi ng napapagalitan ni Ma'am Lala (dahil ako lang naman talaga yung pinapagalitan niya), AKO lang yung may gana ngumiti.
Bakit naman ako sisimangot?! Nakakapangit kaya yun!

Actually hindi ako pabaya sa trabaho. Palagi kaya akong employee of the hour, day, month and year. Madalas lang talaga akong naiipit sa mga circumstances at kailangan kong magsacrifice ng isang bagay. Yun nga lang madalas na trabaho ko yung isinasakripisyo ko. Bakit? Wala lang, gusto ko eh.
Tapos si Ma'am Lala nga yung boss ko na pagkasungit-sungit. Pero sa akin lang siya madalas na nagtataray, kaya nasanay na ako. Feeling ko tuloy insecure siya sa akin. ANG GANDA KO EH!
Idol ko si Ma'am six years ago. Kilala kasi siya sa dami ng achievements na nagawa niya sa trabaho. Pero mas nakikilala siya sa pagiging strict at pagiging slightly maldita which is yun yung nagustuhan ko sa kanya. Kaso, mukhang gusto kong sikmurain ngayon kapag naaalala kong idol ko siya NOON.
Hmm... Hayaan na. Balang araw makakaganti din ako sa kanya.

-----

"Dalhin mo ito sa address na nakasulat diyan sa papel. Kailangan na yan ASAP kaya bilis-bilisan mo ang kilos."
'Dalhin mo ito'. Mag-uutos na lamang hindi pa sinabi na 'pakidala naman nito o kaya makikisuyo naman akong dalhin mo ito'. Si Ma'am talaga hindi napag-aralan ang GMRC noong elementary siya. Utos dito, utos dun. Hay naku. Mayroon namang sariling messenger ang kompanya pero palagi na lang ako ang inuutusan nito. Gusto niya talagang makita akong nahihirapan.

"Eh Ma'am, paano po yan? Hindi ko po kasi alam ang address na to."
Binasa ko yung address at hindi ako pamilyar dun sa lugar. Baka kapag hindi ko nadala agad eh sisisihin na naman niya ako.

"Anong gusto mong gawin ko? Ako ang maghanap? Kaya ko nga iniutos sayo para hanapin at dalhin mo yan! Mag-isip-isip ka nga paminsan-minsan. Palibhasa kasi, mas inuuna mo pa yang paglalagay mo ng makapal na lipstick kesa mag-isip. "
Anong hindi nag-iisip? Hay naku Ma'am Lala kung alam niyo lang, nag-iisip ako noh. Iniisip ko kung paano kita mapapalitan diyan sa puwesto mo para ikaw naman ang mauutusan ko.
Tumawa ako ng malakas.

"Aba babae! Sa mental na kaya kita dalhin."
Sabay ang pagtulak ni Ma'am sa noo ko. Hinimas ko yung parte ng nook o na itinulak niya.

"Oh? Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Lumayas ka na para hindi ko na makita yang pagmumukha mo. Alis na!"
As if naman gustong-gusto kong makita ang mukha niyang halimaw. Tumalikod na ako sa kanya habang ginagaya yung pagmumukha niya kanina nung kinakausap ako.

-----

"Manong guard saan po ba yung address na ito?"
Since matalino ako, naisip kong magtanong-tanong sa mga tao kung alam nila yung address na nakasulat. At eto nga, sa guwardiya ako nagtanong. Siyempre para may pakinabang naman siya. Hindi yung puro pagbabantay ng lumang building ang ginagawa niya.

"Ah, malapit lang yan. Diretsuhin mo lang yang kalsada na yan. Mga isang daang hakbang makikita mo na yun."
Paliwanag niya habang umiinom ng kape sa katanghaliang tapat at ngingiti-ngiti.

"Sigurado bang 100 steps lang yun?"
"Depende..."
Tiningnan niya ang mga paa ko kaya napaatras ako ng konti. Nakakahiya naman 'di ba? Hindi ko pa nalilinis ang mga kuko ko, tapos titingnan niya.

"...kung maliliit kang humakbang. Pero dahil nasa itsura mo na maliit ang hakbang dahil sa maliliit mong paa, dagdagan mo ng bente."
Hmp! Akala ko naman kung ano! Nakakaimbyerna ha! Mauubusan ako ng dugo dito eh!

"Ah, sige manong guard, maraming salamat sa historical ninyong pagpapaliwanag."
Umalis na ako dun. Alangan namang magstay pa ang beauty ko dun 'di ba?


"..97, 98, 99, 100!"
Hindi ko pa rin nakikita yung pupuntahan ko. Naalala ko nga pala yung sinabi ni Manong Guard na dagdagan ko ng 20 steps dahil maliit ang mga paa ko. Nagsimula ulit akong lumakad hanggang sa...

"SEMENTERYO?!"

-----

"Pambihira naman! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! Importante yun! IMPORTANTE!"
Sinasabi ko na nga ba. Ganito na naman ang gagawin niya. Sisigaw-sigawan na naman ako kahit nagawa ko naman yung ipinapagawa niya. Hay naku Ma'am konti na lang eh makakagawa na talaga ako ng voodoo doll!

"Eh Ma'am sinabi ko naman po kasi sa inyo kanina, hindi po ako pamilyar sa address. Sinubukan ko naman pong magtanong-tanong, kaya lang---"

"Kaya lang ano?! Sisisihin mo yung pinagtanungan mo na sa sementeryo ka itinuro? Hindi mo ba naisip na magkaiba ang Pasay at Pasig? Bakit ba hindi ka nagbabasa ng mga nakasulat sa kalye para naman alam mo kung anong lugar ka na? Akala ko ba Magna Cum Laude ka? Sayang lang pinag-aralan mo kung hindi mo naman gagamitin!"
Si Manong Guard kasi na napagtanungan ko, ginudtime lang pala ako. I trusted him pa naman. Nung narealize ko na nasa maling lugar ako, agad kong pinuntahan yung walangyang guwardiya na yun para awayin siya. Good thing na naagaw ko yung batuta niya at yun ang naihampas ko sa kanya. Tapos nagyaya siya ng date pambawi daw sa kalokohan niya, eh makakatanggi pa ba ako? Pogi kaya yung guwardiya, kaya pinatos ko na din. Libre naman niya eh!
Naihatid ko pa din naman yung ipinapadala niyang mga papeles at ok lang naman dun sa pinagdalhan ko kahit late. Kaya hindi ko maintindihan kung anong ipinagdadrama sa buhay ni traLala.

"At dahil nalate ka sa pagbibigay ng papeles na yun, 7pm ka uuwi. Gawin mo yung mga hindi mo natapos na trabaho kanina."
"Ma'am naman!"
"Oh sige alas-otso ka umuwi. Hihirit ka pa?! Umayos ka!"


-----


Pagkatapos ng ilan pang buwan ng pagpapahirap niya sa akin...

"Hoy Lala! Bakit nakatunganga ka pa diyan?! Bilis ang pagtatrabaho! Hindi kita binabayaran para magtext sa kung sino-sino lang!"
Pinagpupunas ko si Lala ng table. Bwahaha! Aba't kahit nasa oras ng trabaho eh nagagawa pang magtext. Akala niya hindi ako makakaganti ha. Umiinom ako ng napakalamig na juice habang siya ay pawisan naman sa paglilinis ng opisina ko.

"Ma'am pagod na ako."
"Oh? Nagmamaganda ka na naman. Kakasimula mo pa lang, pagod ka na agad. Hala! Bilis at ayokong maalikabukan ang mga mamahalin kong gamit."

Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas. Hmm! Akala mo hindi ako makakaganti sayo ha! Ayan buti nga sayo! Ang taray-taray mo kasi.

"Eto pa."
Ipinatong ko ang isang tambak ng papeles sa lamesa. Kitang- kita ko ang kanyang nakakaawang mukha na mas nagmumukha pang kawawa dahil sa suot niya na pangmahirap. Tumawa ako na katulad ng tawa ni Cherry Gil, Bella Flores, at kung sino pang kontrabida na may remarkable na tawa. Ginaya ko lahat yun.

"Kailangan mong basahin isa-isa yan, pagkatapos gawan mo ng report. Bukas, before lunch, dapat tapos na yan ha. Huwag kang magkakamaling magreklamo! Kundi ay dadagdagan ko yan!"
Pananakot ko sa kanya. Aba dapat talaga siyang matakot dahil ako na ang boss niya ngayon.........




"OK, let's call on Miss Lara Tamayo for her final speech."
Siyempre imagination ko lang yung kanina. Malay ko bang mangingibang bansa itong si Ma'am Lala for promotion. Oh?! Ang taray 'di ba? Gusto ko 'to dahil wala nang magpapahirap pa sakin. Kaya lang nakakasama ng loob dahil hindi pa ako nakakaganti sa kanya! Kaya nga idinaan ko na lang sa pag-iimagine na api-apihan siya sa akin. Para kahit sa imagination ko eh nakaganti din ako sa kanya.

"Maraming salamat sa lahat ng tao na tumulong sa akin dito sa kompanya sa loob ng sampung taon na pagtatrabaho ko dito. Sa sobrang pagkadedicate ko nga eh nalimutan ko nang magkaroon ng lovelife..."
Nagtawanan ang mga kapwa ko empleyado. Anong nakakatawa dun sa sinabi niya?

"Alam ko rin na marami ang galit sa akin at nagkaroon ng sama ng loob dahil sa ipinakita kong katarayan..."
OO! Isa na ako doon! Kaya tuwang-tuwa ako na magrerest in peace na ang buhay ko dito sa kompanya.

"Pero ginagawa ko lang yun para sa ikagaganda ng kompanya. Kung hindi ako magtataray, alam kong magiging pa-easy-easy lang ang gagawin ninyong trabaho. "
Ang sabihin mo, katarayan mo talaga ang pinaiiral mo.

"Ayaw ko talagang umalis dito sa Pilipinas pero kailangan kong gawin ito dahil nahanap ko sa America ang aking buhay pag-ibig. Kaya hindi niyo na pwedeng sabihin sa akin na matandang dalaga ako dahil magpapakasal ako doon."
Nung marinig ko yun parang gusto kong ilabas ang kinain ko kanina. Kaderder! Nakuha pa talaga niyang maghanap ng lovelife sa edad niyang yan ha?

"Yun lamang po at maraming salamat. Sana magsilbing inspirasyon sa inyo, kahit konti lang, ang naging pagtatrabaho ko dito."
Ano namang nakakainspired dun? Mainspired na gayahin ang pagtataray mo? Puro ka ek ekan lang sinabi eh.
After ng makabagbag damdaming farewell party, kumain na kami ng special dinner with the COO. Sino pa bang COO ang tinutukoy ko? Eh di si kagandahang Lala.


"Maritess!"
Tatayo na sana ako para pumunta sa powder room para magpowder pero tinawag ako ni Ma'am Lala. Oh? May iuutos pa ba 'to bago sa mag fly away?! Sumusobra na siya ha. O baka naman hihingi na siya ng sorry dahil narealize niya na mali ang ginawa niya sa akin.
Humarap ako sa kanya, para makapag one-on-one na kami.

"May ipag-uutos po ba kayo mahal na reyna?"
Pabulong kong sinabi yun, habang papalapit na siya sa akin.

"May sinasabi ka ba?"
"Ahh, wala po Ma'am."
"Narinig mo naman siguro na aalis na ako 'di ba?"
Ahh talaga? Ang tagal naman! Gusto ko sanang sabihin yan kaya lang papakabait muna ako para sa kanyang last supper. Siyempre alam kong aalis na siya, kanina pa. Paulit-ulit?!

"Gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na dahil sa magandang performance mo dito sa kompanya, promoted ka na as COO."
Pati ba naman yan iuutos pa din sa akin?! Teka? Ano daw? Promoted ako?! COO ako? Hindi nga?! Nabibingi ako. Wait. Hindi ako makapaniwala. Promoted talaga ako? Papalitan ko siya?

"Ma'am pakisampal nga po ako."
At binigyan nga niya ako ng isang matunog na matunog na sampal. Nagtinginan tuloy yung mga tao sa paligid namin. Pakiramdam ko tuloy nadala yung panga ko sa sampal na yun.

"Bakit niyo ako sinampal? May galit talaga kayo sa akin ano?"
"Maritess, sabi mo sampalin kita. Anong inirereklamo mo diyan?"
Sinabi ko ba yun? Parang wala naman akong natatandaan.

"Ma'am kung gusto ninyong mantrip, 'wag ngayon. 'Wag kayong sumabay sa regla ko ok?"
"Let's welcome the newest COO, Miss Maritess Castro."
Yun yung huli kong narinig na sinabi nung babae na nasa stage, basta siya yun at wala na akong balak kilalanin pa siya. Nabibingi na naman ako, dahil siguro sa malakas na palakpakan ng mga tao.
Maraming bumati sa akin ng congratulations. So totoo nga?! AKO talaga?! Sa akin na ang korona? Pero bakit?!


-----

"Sinabi ko bang yan ang gawin mo? Umayos ka! Pairalin ang utak."
"Eh Ma'am, hindi ko po talaga mahanap yung files na yun."
"Mata kasi ang ginagamit sa paghahanap hindi bibig."

Isang taon na ang nakakalipas mula ng ipasa sa akin ang matinik na korona ni Ma'am Lala. Mas naiintidihan ko na kung bakit kailangan niyang magtaray. Mahirap pala talaga yung trabaho niya. At kung magbabait-baitan ka sa empleyado mo, baka patae-tae lang ang magawa nila.

"Iapply mo lahat ng natutunan mo sa akin para magamit mo sa trabaho at sa bagong posisyon mo sa kompanya. Pagbutihin mo."
Tumatango-tango ako nung nagpapalam na siya sa akin. Sa limang taon kong pagtatrabaho sa kanya, kahit na madalas ko siyang patayin ng paulit-ulit sa utak ko, masasabi ko namang marami talaga akong natutunan sa kanya.

"That will be your sweetest revenge on me."


© Copyright 2015 thatlunaticgirl (hazelbueno at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/2066673-Sweetest-Revenge