\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/2157300-Demon-Princess-Legend-of-Zinnia
Item Icon
Rated: E · Novel · Fantasy · #2157300
"Demon Princess: The Legend of Zinnia" is a journey to the world of love and magic.
PROLOGUE:



Taong 1800 B.C.E.

"Huwag ka ng umiyak, dahil kung mamatay man ako ngayon, I'd beg the gods na ibigay ka pa rin sa'kin kung ipapanganak ulit ako." Nasasaktang sabi ng isang boses ng lalaki na nakahandusay sa sariling n'yang mga dugo. Bagaman madilim ang silid, kitang-kita pa rin ang mga luha na namumuo sa malulungkot nitong mga mata. Nakaupo sa tabi nito ay isang magandang dilag na may malaking kulay pulang mga pakpak at mga sungay na kasing tulis ng tabak. Humihikbi ito dahil sa matinding kirot na nadarama; kirot galing sa puso dahil sinaksak nito ang kanyang sariling kasintahan.

"Pa... patawad." Daing ng babae nang mapagtanto ang kan'yang ginawa. Ngunit huli na para magsisi dahil ang lalaki sa tabi nito ay nasa bingit na ng kanyang kamatayan. Bago pa man magwakas ang hininga nito, sinabi nya ang kanyang huling mensahe sa minamahal na dalagita. "Hahanapin kita sa susunod nating buhay, Zin. Sana hintayin mo ako." Ngumiti ito ng pilit saka nagpatuloy. "Kahit wala na ako ngayon sa buhay na ito, sana magpatuloy ka pa ring mamuhay na malayo sa gulo tulad ng ginagawa natin parati noon. Mahal na mahal kita, Zin." Ngumiti itong muli para takpan ang sakit na nararamdaman ngunit makikita sa mga luha nito na ngayo'y dumadaloy sa kanyang pisngi ang sakit ng pagtatraidor ng kanyang minamahal na kasintahan.

"Foolish Flau, wala ka ng babalikan pa. A war will happen tonight and this world will never be the same again." Pabulong na sagot ng babae. "Love will never be spoken of any longer... lalong lalo na ang pagmamahalan sa pamamagitan ng isang demon at human." Isang mapait na ngiti ang nakapalatida sa mukha nito habang sinasabi iyon sa bangkay ng kan'yang kasintahan.

Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa sahig at akmang tumalikod ngunit sa sandaling s'ya ay humakbang, ito ay binigo ng kan'yang sariling mga binti. Ang huling mga salita mula sa kasintahan nito ay nagdulot ng matinding kirot sa kan'yang dibdib na nagpahina sa kan'yang mga tuhod.

Sa tindi ng kirot na kan'yang nadarama, s'ya ay napaluhod sa malamig na sahig ng madilim na silid. Sa sandaling iyon, ninais n'ya na sana pwede nya'ng ibalik ang nakaraan kung saan masaya s'yang nakahiga sa malapad na pastulan katabi ng kan'yang kasintahan habang magkayakap at sabay na inaabangan ang pagbaba ng araw. Ngunit tanging malulungkot na alaala na lamang ngayon ang natitira.

Sa kan'yang malungkot na pagiisip ay bigla itong nakaramdam ng matinding galit sa mga gods na nagdulot nitong lahat sa kanila.

Ang mga gods ang nagbigay ng Spiritual Energy na tinatawag na Mana sa mga demons. At dahil dito ang demons ay naging pinakamalakas na entity sa buong mundo ngunit 'di tulad ng kan'yang mga uri, ang mga tao ay hindi biniyayaan ng Mana. Sa kadahilanan ding iyon kung kaya't nilikha ng mga gods ang kanilang lahi upang mag protekta sa mga panganib sa mundo ng mga tao. Lumipas ang ilang siglo at ang mga tao at demons ay natutong magmahalan at kalaunan ang Mana na tanging mga demons lang ang may taglay ay naipamahagi na din sa buong sibilisasyon ng mga tao. Ang lahat ay namuhay ng payapa at masaya ngunit nang tinupok ng kasakiman ang sangkatauhan, lahat ding 'yon ay nagbago.

Ang magic na biniyaya ng mga gods upang protektahan ang kanilang mundo ay naging sumpa na s'ya ding kadahilanan sa pagkawasak sa mundong ito. Kabilang na doon ang lahat ng mayroon sa kan'ya: mga kaibigan, pamilya, at ngayon naman ay ang kan'yang pinakamamahal na kasintahan.

Tulad ng isang salamin na nabasag sa mga piraso; gumuho bigla ang kan'yang mundo. "Huwag ka ng umiyak, dahil kung mamatay man ako ngayon, I'd beg the gods na ibigay ka pa rin sa'kin kung ipapanganak ulit ako." Sabi ng tinig ng kasintahan nito sa kan'yang isipan. "Kahit wala na ako ngayon sa buhay na ito, sana magpatuloy ka pa ring mamuhay na malayo sa gulo tulad ng ginagawa natin parati noon. Mahal na mahal kita, Zin."

Tuloyan ng bumagsak ang dalagita sa malamig na sahig habang paulit-ulit na naglalaro iyon sa isipan nito. Bumaluktot ito na parang bola saka humagulgol sa pagiyak. Iniisip nito kung bakit kaya pa ring isipin ng kasintahan ang kan'yang kapakanan matapos n'ya itong traydorin. Humans are indeed foolish; sabi nito sa kan'yang isipan. Tulad ng isang karera ng mga kabayo, ang mga luha nito ay naguunahan sa pagbagsak sa malamig na sahig na kan'yang hinihigaan.

Sa tindi ng kirot na kan'yang nadarama para itong nalulunod sa madilim at malalim na karagatan na tanging ang malamig na tubig lamang ang kayakap. Ang pag-ibig ay talagang nakakamatay kaysa sa ano mang anyo ng magic dahil pinapatay nito ang kahit na sino man ng paulit-ulit making it more excruciating than death itself. It's ironic how everyone is addicted with it and still willing to get killed; sabi ng mapait na saloobin ng dalagita.

"Ah, I guess I'm a foolish too..." Mahigpit n'yang hinawakan ang dalawang matulis na sungay sa pagnanangis. Pinagmasdan nito ang nakapikit at naliligo sa dugo na bangkay ng kan'yang kasintahan na nakahiga 'di kalayuan sa kan'ya. Labis ang pighati na nadarama ng dalaga na halos madurog ang puso nito. Tumulong muli ang mga luha sa kan'yang mga mata na sinundan kaagad ng isa, at isa pa, hanggang nabalot na ng luha ang buo nitong mukha. Mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kan'yang mga sungay at gamit ang huli nitong lakas, marahas n'ya itong hinatak na agad namang nabali sa dalawa at tulad ng natupok na baga ng apoy; ang kan'yang katawan ay naging abo.

Sa labas, ang unang digmaan ng mga demons.
© Copyright 2018 Shealtiel (sheal_tiel at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/2157300-Demon-Princess-Legend-of-Zinnia