No ratings.
Isang Biblikal Na Pamamaraan Sa Pagsasagawa Ng Praise & Worship |
1. Panimula • Sa panahon ng Lumang Tipan, nagtalaga ang Diyos ng kaparian upang kumatawan sa Kanyang mga tao sa harap Niya – Sa panahon ng Bagong Tipan, lahat ng mananampalataya ay itinalaga bilang isang pari para sa Diyos – 1 Pedro 2:5 Tulad ng mga batong buhay, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag- alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo • Hindi na natin kailangan pang mag-alay ng hayop – Espirituwal na paghahandog na ang ginagawa natin ngayon • Isa sa mga espirituwal na paghahandog na kailangan nating gawin ay – ang pagpapahayag – Hebreo 13:15 Kaya’t lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan 2. Mga Salitang Hebreo Na Ginagamit Sa Pagpuri • ‘HALLAL’ – Ginamit ng 88 beses at ang pinakamalimit gamitin na salita para sa ‘Pagpuri’ sa Lumang Tipan – Ang ibig sabihin nito ay ipagmalaki, ipagdiwang , ipagsigawan at luwalhatiin • ‘HILLUWI’ – (nagmula sa salitang Hallal) – Isang pagdiriwang ng pasasalamat pagkatapos na makumpleto ang anihan – May awitan at sayawan sa araw na ito • ‘TEHILLAH’ – (isa pang salitang nagmula sa Hallal) – Ang ibig sabihin nito ay awitin natin ang ating Hallal – Nakatutok ito sa pag-aawitan • ‘SHABACH’ – Ginagamit bilang isang sigaw ng pagwagi sa katagumpayan – Ang ibig sabihin nito ay sumigaw na may malakas na tinig • ‘ZAMAR’ – Isang hayag na pagtukoy sa pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng mga instrumentong musikal, o pagpupuring sumasabay sa saliw ng mga instrumentong musikal – Ang ibig sabihin nito ay pagkaskas o pagtugtog sa mga kuwerdas • ‘YADAH’ – Ito ang ‘Pagtataas ng mga kamay’ – Ang ibig sabihin nito ay pagpapahayag ng pasalamat o pagpapasalamat habang nakataas ang mga kamay • ‘TOWDAH’ – Nagmula rin sa salitang Yadah ngunit mas tiyak – Ang ibig sabihin nito ay ang pagtataas ng mga kamay bilang pagsamba at pasasalamat • ‘BARAK’ – Pagluhod sa pagsamba 3. Mga Sangkap Na Ating Mapapansin Sa Mga Uri Ng Pagsambang Ito • Sila ay mga ‘Pisikal na Pahayag’ – Ng Espirituwal na pag-uugali • Sila ay mayroong ‘Tunog na Naririnig’ – Maliban sa Barak • Sila ay may – ‘Kilos o Galaw’ • Maaaring may ‘Pagpapakawala ng Damdamin’ – Ngunit ang pagpupuri sa Diyos ay HINDI isang madamdaming pag-eehersisyo, ito AY isang espirituwal na gawain • Sila ay lumilikha ng kaugalian ng – ‘PAGGALANG’ 4. Bakit Natin Kailangang Purihin Ang Panginoon? • Dahil sa kung sino Siya – Awit 149:2 Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa • Naluluwalhati ang Diyos sa papuri – Awit 50:23 Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin naming ililigtas ang lahat na masunurin • Sa lahat ng Kanyang mabubuting gawa – Awit 103:1-3 Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki’y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. T2 Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. T3 Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat • Sa Kanyang kabutihan – Awit 107:21 Kaya’t dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas • Sa Kanyang mga dakilang gawa – Awit 150:2 Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila • Lalong nagpapadakila sa Diyos ang papuri – Awit 69:30 Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko’t pasasalamatan • Ang Panginoon ay karapat-dapat papurihan – 2 Samuel 22:4 Kay Yahweh ako’y tumatawag, sa mga kaaway ako’y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh! • Ang pasasalamat sa Diyos ay isang mabuting bagay – Awit 92:1 Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan – Awit 147:1 O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya’y tunay na nakalulugod • Ang pagpupuri mula sa matuwid na tao ay kaaya-aya – Awit 33:1 Lahat ng matuwid dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri’y magpuri sa kanya! • Ang Diyos ay iniluluklok sa trono sa mga papuri ng Kanyang mga tao – Awit 22:3 Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan • Ang papuri ay nagdudulot ng kapangyarihan – Awit 84 (ang buong awit na ito) • Katagumpayan ang kasunod ng pagpupuri – 2 Cronica 20 (ang buong kabanata) • Ang kaluluwang nagpupuri ay nagpapalugod sa Panginoon, at ibinibigay ng Diyos ang mga pangarap niya – Awit 37:4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan 5. Sino Ang Dapat Magpuri Sa Panginoon? • Ang buong kalawakan – Mga bituin, ang araw at ang buwan – Awit 148:3-4 Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin, T4 mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! • Lahat ng Kanyang mga anghel – Awit 148:2 Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan! • Lahat ng may hininga – Awit 150:6 Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh! • Lahat ng laman – Awit 145:21 Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman! • Lahat ng mga tao sa lahat ng dako – Awit 148:11-13 Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; T12 babae’t lalaki, mga kabataan, matatandang tao’t kaliit-liitan. T13 Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala’y pinakamataas; sa langit at lupa’y maluwalhating ganap. • Ang mga naglilingkod na may takot sa Diyos – Awit 22:23 Kayong lingkod ni Yahweh, siya’y inyong purihin! Kayong lahi ni Jacob, siya’y inyong dakilain, bayan ng Israel, luwalhatiin siya’t sambahin! • Ang mga tao ng Diyos – Awit 67:3 Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. Awit 79:13 Kaya nga, O Yahweh, kaming iyong lingkod, parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan! • Ang mga lingkod ng Diyos – Awit 113:1 Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin. Awit 134:1 Lumapit kay Yahweh, at kayo’y magpuri, mga naglilingkod sa templo kung gabi. Awit 135:1 Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya • Ang mga matuwid – Awit 140:13 Ang mga matuwid magpupuring tunay, ika’y pupurihi’t sa iyo mananahan! • Ang mga banal – Awit 145:10 Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan • Ang mga tinubos – Awit 107:1-2 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman. T2 Lahat ng niligtas, tinubos ni Yahweh, bayaang magpuri, mga tinulungan, upang sa problema, sila ay magwagi • Ang mga NAKAKAALAM at NANINIWALA sa katotohanan – 1 Timoteo 4:3 Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan 6. Kailan Natin Dapat Purihin Ang Diyos? • Mula umaga hanggang gabi – Awit 113:3 buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan • Buong araw – Awit 71:8 kaya ako’y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan • Hangga’t tayo’y nabubuhay – Awit 146:2 Pupurihin siya’t aking aawitan; aking aawitan habang ako’y buhay • Sa lahat ng oras – Awit 34:1 Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya’y hindi ko papatigilin • Sa oras ng matinding kalungkutan – Awit 42:11 Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako’y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan • Sa lahat ng bagay – Efeso 5:20 Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo 7. Saan Tayo Maaaring Magpuri Sa Diyos? • Sa gitna ng kapulungan – Awit 22:22 Mga ginawa mo’y ihahayag ko sa aking mga kababayan, sa gitna ng kapulungan ika’y papupurihan • Sa dakilang kapulungan – Awit 22:25 Ginawa mo’y pupurihin sa dakilang kapulungan, sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang, ang panata kong handog ay doon ko iaalay • Sa gitna ng mga taong-bayan – Awit 57:9 Sa gitna ng mga bansa, kita’y pasasalamatan; Yahweh, ika’y pupurihin sa gitna ng iyong bayan • Sa Kanyang dakong banal – Awit 100:4 Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang ( Todah ), umawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal ( Tehillah ); purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan! • Sa kalipunan ng mga matatanda – Awit 107:32 Itong Panginoon ay dapat itanghal sa gitna ng madla, dapat na purihin sa kalipunan man ng mga matanda • Sa gitna ng mga bansa – Awit 108:3 Sa gitna ng mga bansa kita’y pasasalamatan, Yahweh, ika’y pupurihin sa gitna ng mga hirang • Sa gitna ng karamihan – Awit 109:30 Kay Yahweh ay buong puso akong magpapasalamat, sa gitna ng karamiha’y magpupuri akong ganap • Sa pagtitipon ng mga tapat – Awit 149:1 O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya • Sa Kanyang banal na templo – Awit 150:1 Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! 8. Mga Hadlang Sa Pagpuri! • KASALANAN – Ang simpleng dahilan kung bakit ang hindi ligtas ay hindi nagpupuri sa Diyos – Nasa loob ng buhay ng ibang mga Cristiano ang “KASALANAN” kahit sila’y nasa presensya ng Diyos – Ninanakaw ng mga tinatagong kasalanan ang ating kalayaan – Kaya wala silang kaginhawaan sa presensya ng Diyos • SUMPA – Maraming mga Cristiano ang nananatili sa sumpa, kahit na sila’y pinatawad na ng Diyos – Hindi nila mapatawad ang kanilang mga sarili kaya’t hindi nila matanggap ang Kanyang kapatawaran ng buong-buo • KAMUNDUHAN – Ang ‘kamunduhan’ ay kabaliktaran ng espirituwalidad – Ang kundisyong ito ay umiiral kapag nakatuon ang ating isipan sa mga makasanlibutang bagay, at hindi sa mga bagay ng Diyos at ng Kanyang kaharian • MALING PANANAW TUNGKOL SA DIYOS – ito ay isang matinding sagabal upang magpuri – Kagaya ng pagtingin sa Diyos bilang isang hukom na nagpapahintulot ng kamatayan at pagdurusa atbp. • MGA MINANANG KAUGALIAN SA RELIHIYON – Sa kapanahunan ng ating Panginoon, marami ang pumayag sa mga walang kakwenta-kwentang minanang kaugalian ng tao upang mapawalang-kabuluhan ang salita ng Diyos – Marami pa rin ang gumagawa nito ngayon – Mateo 15:6 “hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama. Pinawawalang kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan • KAYABANGAN – Ano’ng sasabihin ng mga tao? – O ako ang maygawa, hindi ang Diyos • TAKOT NG TAO – Kawikaan 29:25 Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka • PAMIMIGIL NI SATANAS – Ito ang pinakamatindi sa lahat ng mga balakid – pinipigil ni satanas ang isang tao upang hindi makapagpuri • Ang pagpuri sa Diyos ay ang pagtataas sa Kanyang persona, pagkatao, mga katangian at kasakdalan – Ang pagsamba sa Diyos, kung sino at ano Siya, hindi dahil sa mga bagay-bagay na nagawa Niya na ating pinakinabangan – Awit 145:3 Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika’y purihin; kadakilaan mo’y tunay na mahirap naming unawain 9. Buod • Ang magpasalamat – ay upang ipakita ang ating pagpapahalaga sa mga bagay na ating natanggap • Ang Magpuri – ay upang masabi ng mabuti o maipahayag ang ating paghanga • Ang sumamba ( ang pinakamataas na uri ng pagpuri ) – ay upang gumalang o magkaroon ng mapitagang pagkatakot • Nagsisimula tayo sa ‘Pasasalamat’, patungo sa ‘Pagpuri’ bago dumako sa ‘Pagsamba’ • Ang ‘Worship’ o pagsamba ay kinuha mula sa lumang salitang Ingles na ‘Worthship’ – na ang ibig sabihin ay pagbibigay-halaga na karapat-dapat ang isang bagay at upang tugunin ito • Ang pagsamba ay – Una, isang asal ng puso – Ang may paggalang na katungkulan ng ating mga puso sa ating Tagapaglikha – Ikalawa, ang pag-apaw ng kaisipan at damdamin ( Kusa at bigla ) – Ikatlo, ang pag-uumapaw ng ating espiritu, dahil sa malalim na pagpapahayag ng mapitagang pagkatakot, paggalang, pagkamangha at pagsamba • Ang salitang ‘pagsamba’ ay unang matatagpuan sa Genesis 22:5 …… “Bantayan ninyo rito ang asno at kami na lamang ng bata ang aakyat sa bundok. Sasamba kami sa dako roon, at babalikan naming kayo…” • Ang salitang Hebreo na ginamit ay ‘Shachack’ ( kapag bibigkasin ay shaw-kaw ) – Ang ibig sabihin ay magpatirapa sa harapan, lumuhod, bumaba na may mapagpakumbabang paggalang, respeto at pagsunod 10. Ang Mga Ipinapahiwatig Ng Salitang – Pagsamba • Ang pagpuri at pagsamba ay hindi pinagpipilian – Inutusan ng Diyos si Abraham na humayo at sumamba • Ang pagsunod ay kailangan – Si Abraham ay tumugon ng may pagsunod • May halagang dapat bayaran – Ang buong pagsuko ng ating buong sarili – Roma 12:2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya • Ang pananampalataya ay kailangan – Ang pagsamba ay isang pagpapakita ng pananampalataya • Upang isuko ang sarili – Nakahanda si Abraham na ialay si Isaac, ang kanyang mga balak, mga nais, mga ambisyon at mga kahilingan para sa hinaharap • Ang pagpuri – Nagluluwalhati sa Diyos • Ang nagpupuri – Tumatanggap din ng pagpapala ************WAKAS************ Copyright ©2013 by WJ Manares |