\"Writing.Com
*Magnify*
SPONSORED LINKS
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/1936203-Charming-Knights-chapter-one
Item Icon
by yuzuru Author IconMail Icon
Rated: · Novel · Fantasy · #1936203
this story have genres like school life, mystery, fantasy, romance, super natural,
Chapter One:

“Amazing!” mula sa may likuran ay nagsalita ang di katangkarang lalaki na nasa below 40’s ang edad, maputi na rin ang ilan sa mga buhok nito. Siya si Mr. Shinjo, isang sikat na direktor, kasalukuyan sila ngayong nagshu – shooting ng isa sa mga sikat an telenobela sa buong Japan.

Nilapitan ni Mr. Shinjo ang dalawa sa mga gumaganap sa palabas na iyon, walang iba kundi sina Fujioka Yuzuru at Fujiwara Kaito, ang pinaka – sikat na tambalan sa panahong ito. Pareo silang 13 years old. Hindi lang raw dahil magaling umarte ang dalawa kundi bagay na bagay rin daw sila sa isa’t – isa. Taglay kasi nila pareho ang kakaibang ganda na wala ang sinuman. Parehong maputi at maganda pareho ang kanilang mga kutis, matangos rinang kanilang mga ilong at ang kanilang mga labi ay sadya ng mapupula na hindi mo na kailangan pang pahiran ng mga lipstick, ngunit ang lalong nagpatingkad sa kanilang natatanging ganda ay ang kulay blue na mga mata ni Yuzuru at pula naman ang kay Kaito, magkasing kulay rin ang kanilang buhok na kulay brown. Ngunit ang lalong nagpasikat sa kanila ay ang kanilang ‘Charming Smile’ oras daw na masilayan mo ang mga iyon ay siguradong mapapaibig ka na sa kanila ng husto.

“You guys did very well today! As expected from our Star Prince and Princess.” bati ni Mr. Shinjo
Dumiretso si Kaito sa may make – up artist at nagpakuha ng tubig, samantalang si Yuzuru naman ay kinuha ang towel na nakasabit sa may rack at pinahidan ang luha sa pisngi, nasa may parteng revelations na kasi sila.

“Uhmm… director, about our next shooting in the day after tomorrow, it looks like I can’t make it…” malungkot na sabi ni Yuzuru. Tumingin ng diretso si Shinjo “Actually, we’re going to have a Valentines day preperation for the whole week… So please…” paumanhin ni Yuzuru at pinagdikit pa ang dalawang palad na para bang ang dadasal sa harap ng direktor.

Namula ang mukha ng direktor at napailing, “Jeez! everytime Yuzuru ask something, just seeing her beg like that… I always agreed to it without even thinking twice” bulong ni Shinjo sa sarili.

Nagtaka si Yuzuru, inilapit nya ang mukha sa mukha ng direktor. “Did I say something wrong?” curious na tanong niya.

Iniwas ng direktor ang tingin kay Yuzuru para di nito mahalata ang pamumula ng mukha. “That’s fine! Since, you did very well this past few days… maybe it’s unfair if I didn’t let you participate in school activities!” wala na naman sa loob na sabi ng direktor.

Nanginang ang mga mata ni Yuzuru, “Really!?” di makapaniwalang sabi niya.

Napailing na muli ang direktor, “It’s just a week, and we’re already finished for the episode this week!”

Mula kung saan ay sumulpot si Kaito, “About that, I also want to tell you that I’m not going to attend our shootings for a week!” paalam rin ni Kaito.

Nanlaki ang mata ni Shinjo, “What!?” bulalas nito. Maya – maya’y may naalala ito at naihilamos sa mukha ang dalawang palad, “I forgot that you two are in the same school and section, so there’s no need to be surprised!” naiiling na sabi nito.

Napangiwi si Yuzuru, iyon kasi ang bagay na kinaiinisan nya sa lahat… Yung katotohanang sa iisang school sila pumapasok at katabi nya pa ito sa upuan. Para sa kanya kasi si Kaito ay isa sa pinaka – mayabang na taong nakilala nya, wala na kasi itong alam na gawin kundi maliitin ang mga gawa nya at maging ang pag – arte nya sa telebisyon. Kaya dahil doon ay lalo pa nyang ginagalingan.

Nagulat siya ng may ibulong sa kanya si Kaito. “Hindi mo na naman kailangang umabsent sa mga shooting natin, kahit naman kasi umattend ka ng Valentines day preperation di pa rin magiging A lahat ng mga C – mo sa report card!” tukso ni Kaito at ngumisi.

Umakyat na naman sa ulo lahat ng dugo niya. “Sino ka para sabihin ‘yan?” inis na sabi niya at ng akmang babatukan niya ito ay agad itong umilag at inilabas ang kanyang dila sabay takbo palaabs ng studio. “Bumalik ka rito!” pahabol na sigaw ni Yuzuru at inis na sinundan ito palabas.

Napailing naman ang direktor at ang iba pang mga staff… “Don’t worry, fighting is their way to show their affection to each other!” naiiling na sabi ni Shinjo.



* * *
“Hoy! Sandali, hintay!” hingal na sabi ni Yuzuru, hanggang sa may likuran ng studio ay hinabol niya ito, napatigil sya sa pagsunod ng mapansing masama ang tingin sa kanila ng mga baatng nandoon, sa tantiya nya ay mas matatanda ang mga ito sa kanila ng isa o dalawang taon, sumeryoso ang mukha ni Kaito at sinenyasan siya nito na tumakbo. “Kaito – kun?” nag – aalalang tanong ni Yuzuru.
Nanlaki ang mga mata niya ng kunin ng limang bata ang mag tubo sa may basurahan. “RUN!” sigaw ni Kaito, kahit di malaman ni Yuzuru ang gagawin ay tumakbo na rn sya. Ngunit bago pa sya nakalayo ay naabutan na agad siya ng mga bata at hinawakan siya nito ng mahigpit.
“You’re being a burden, you stupid Yuzu!” inis na sabi ni Kaito, nanatili itong alerto at nag – iisip ng plano para makatakas. “with Yuzu here. I can’t even transform!”
“Ano bang pinagsasasabi mo ha?” tila nanunuyang sabi ng isa sa mga kalalakihan,
“Marami talagang sikat na sira ang ulo!” dugtong naman ng isang lalaki.

Mabilis na dinampot ni Kaito ang isa pang tubo at pumwesto ito na para bang isang tunay na samurai. Ngunisi ang mga lalaki at sabay sabay na sinugod si Kaito…

Namangha si Yuzu sa mga galaw ni Kaito, kung pagmamasdan kasi ito ay parang bihasang bihasa na ito sa paghawak ngmga ganoong bagay, wala ni isa mang tumama sa mga pagtirang ginawa ng mga di kilalang lalaki. Nang mapatumba na ni Kaito halos lahat ng mga ito aybiglang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

“Wala ka bang pakialam kung ano ang mangyayari sa pinakamamahal mong partner?” nakangising sabi ng lalaking nakahawak sa kanya. Muli itong ngumisi at biglang hinigit ang kanyang buhok.

“A – ano ba? Bitiwan mo ko!!!” sabi ni Yuzuru at pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki, ngunit sadya itong malakas.

Tatakbuhin sana siya ni Kaito. “Subukan mong gumalaw ng kahit isang hakbang at sisiguuhin kong di mo na makikita pang muli ang babaeng ito!” pananakot nito at naglabas ng isang maliit na kutsilyo at itinutok sa may leeg niya.

Napatigil si Kaito, ito ang unang pagkakataon na nakita ni Yuzuru na puno ng takot ang mga mata ni Kaito. Unti – unting tumayo ang mga kalalakihan na napabagsak na kanina ni Kaito. Muli nilang dinampot ang mga hawak na bakal na tubo at iniamba muli ito ka Kaito.

Di na napigilan ni Yuzuru ang sarili, “Ano bang kasalanan namin sa inyo?” naluluhang sabi ni Yuzuru.

Ngumisi ang lalakingmay hawak sa kanya. “Kung gusto nyong maka – alis, ibigay nyo sa amin lahat ng pera nyo! Kailangan namin ‘yan dahial kailangan ng gamot ng nanay ko at kahapon pa rin hindi kumakain ang pamilya namin!” galit na sigaw nito.

Napapikit si Yuzuru ng akmang hahampasin na ng mga kalalakihan si Kaito mula sa may likuran. Kasunod niyon ay malakas na pagbagsak ng mga tubo sa sahig, naramdaman rin nyang nawala na ang kutsilyo sa may leeg nya. Nanalaki ang mata nya pagkamulat, hawak na ng mga security guards sa Studio ang apat pang mga bata pati ang taong nakahawak sa kanya, inalalayan ng mga ito na makatayo si Kaito. Lalo siyang namangha pagkatingin sa taong nakahawak sa kanya, walang iba kundi si Akamine Tadashi. 18 years old 4th year High School, nasa iisang school sila pumapasok dahil sa academy naman nila ay mayroon buildings para sa mga High School at pang University. Si Tadashi ay isang sikat na designer kahit isa itong lalaki, parang kaptid na ang turing nila sa isa’t isa kay close na close sila ni Yuzuru pero pag – dating kay Kaito si Tadashi ang mortal nitong kaaway. Isip bata kung minsan si Tadashi at kahit kailan ay hindi pa nawalan ng ngiti sa mga labi, kulay itim ang mata nito at buhok na nakahiligan na nyang lagyan ng wax.

Agad na yumakap si Yuzuru at parang Koala Bear na nakalambitin s amay leeg ni Tadashi. Gumanti naman ng yakap si Tadashi para aluin siya. Nakita nyang inaaresto ng mga gwardiya ang mga batang nang harass s akanila, bumaba siya agad kay Tadashi at nilapitan ang mga guards.

“Don’t arrest them!” utos ni Yuzuru.

Napalingon si Kaito. “Ano bang pinag – sasasabi mo ha? Di mo ba natatandaan ana muntik na nila tayong saktan kanina!” inis na sabi ni Kaito. “No! arrest them!” matigas na utos ni Kaito.

Muling pinigilan ni Yuzuru si Kaito. “Ano ka ba? They just do that because… because they are in need!” malungkot na sabi ni Yuzuru. “Maybe it’s true that they choose the way… but this is for their family… If you arrest them what will happen to his mother who is sick and waiting for their return!?” bakas ang pagkaawa sa boses nito.

Naikuom ni Kaito ang kamao, kapag si Yuzuru na kasi ang nagsalita kusa na lang syang sumasang – ayon dito “Do what ever you want!” galit na sigaw ni Kaito at pinalis ang kamay ng gwardya na naka – alalay sa kanya at bigla na lang naglakad papalayo.

Nilapitan ni Yuzuru ang mga lalaki at ngumiti. “Don’t worry about him! You need money right? Here take this!” sabi ni Yuzuru at kumuha ng makapal na 1000 yen bills sa bag at iniabot sa kanila. “Siguro dapat umalis na kayo kasi kung hindi, baka dumating pa yung manager namin, kailangan kayo ng pamilya nyo diba?” nakangiting sabi nya.

Namula ang mukha ng limang lalaki at inabot mula sa kanya ang pera. Walang sabi sabi ay nagsi alisan na ang mga ito. Pero ang lalaking tila pinuno ng mga ito ay hindi inalis ang tingin sa kanya habang papalayo kaya muli nya itong nginitian.

Binalingan ni Yuzuru ang mga guards. “Don’t ever try to talk about this incident!” babala niya, nagsitanguan namna ang mga ito. Hhumarap siya kay Tadashi “Tadashi – sempai! Ano nga pala ang sadya nyo rito?” biglang tanong nito.

Napakamot ng ulo si Tadashi. “Actually, I’m here to pick you two up! Because everytime we let you two alone, things like this always happen…” sabi ni Tadashi at napabuntong hininga

Napangiwi si Yuzuru. “I’m sorry, kailangan mo pa tuloy kaming sunduin lagi….” Paumanhin niya.

Nagulat siya ng bigla nalang siyang kargahin ni Tadashi. Ngumisi ito “Don’t worry, ayos lang naman sa ‘kin yun e!” nakangiting sbai nito at ginulo ng bahagya ang buhok niya. “Ang galing mo kanina… You’re really a nice kid!”

Yumakap na rin siya kay Tadashi. “Arigatou, Tadashi – niichan!” sabi ni Yuzuru na ang ibig sabihin ay Thank you, big brother Tadashi.

Tinapik siya ng bahagya ni Tadashi sa may noo. “Pero mag – ingat ka pa rin ha?Hindi kasi lagi nandito kami ni Kaito para ipag – tanggol ka, marami pa ring tao sa mundoa ng maaaring abusuhin yung kabaitan mo!” mahinahong payo nito. Tumango naman si Yuzuru.

Kinarga siya nito hanggang makarating sila sa may labas ng studio, ngunit nakaka – isang hakbang pa lang sila palabas ng gate ay dalawang lumilipad na bote ng coke in can na soft drinks ang tumama sa may likuran ni Tadashi at dahil doon nabitawan niya si Yuzuru. Inis na humarap sa pinanggalingan ng bote sina Yuzuru at Tadashi.

Napatigil sila ng mapag – sino ang bumato sa kanila. Si Kaito at isang magandang babae na kulay brown ang buhok na lampas balikat ang haba, at may kulay green na mga mata. Si Ishikawa Misaki, kasing edad ito ni Tadashi at madalas silang pag – tsismisan na na nagda – date, isa itong hair stylist.

“You idoit… when are you going to stop hugging her?” walang expresyong sabi ni Kaito.

“You perveted old man!” dugtong naman ni Misaki.

“I – I’m sorry?” ngatal na sabi ni Tadashi, halatang takot ito kay Misaki.

Ngunit kabaligtarann naman si Yuzuru, inis itong lumapit kay Kaito. “What the heck is your problem?”

Umingos lang si kaito at agad n aitong pumasok sa van na maghahatid sa kanila sa school. Inis namang sumunod si Yuzuru. Nagkatinginan sila Misaki at Tadashi at sumakay na rin sa van.

Ilang sandali lang ay dumating na rin sila sa ‘Hideaki Academy’. Isa itong sikat na eskwelahan sa buong Japan, halos lahat ng mga mayayaman ay doon nag – aaral. Bawat year levels ay nahahati sa 7 section, A – F. Pareho silang nasa section A ni Kaito at dahil magkalapit lang ang apelyido nila ay magkatabi rin sila sa upuan. Samantalang sina Tadashi at Misaki ay nasa Class B. Pagkababa nila sa van ay pinagbubulungan na agad sila kaito at Yuzuru…

“They’re together again, maybe the rumour about them is true!” sabi ng isa sa mga ito.

“Yeah! I saw it at the magazine, and it’s confirmed… Those two are really dating?” dugtong naman ng katabi nito.

Napangiwi sina Kaito at Yuzuru sa narinig. pero dahil wala naman silang magagawa ay patuloy na lang silang naglakad papasok ng Middle School Division, puunta na rin sa High School Division sina Tadashi at Misaki....
© Copyright 2013 yuzuru (yuzuru at Writing.Com). All rights reserved.
Writing.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
Printed from https://shop.writing.com/main/view_item/item_id/1936203-Charming-Knights-chapter-one