kabanata 10-11 |
Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Noli Me Tangere - Unang Araw I.Layunin Sa katapusan ng aralin,100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% ng kasanayan sa : 1. Nakapagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa akdang nabasa 2. Nakabubuo ng isang liham na ibibigay sa pangasiwaan ng pupuntahang lugar kung paano makakatulong ang mga kabataan. 3.Naitatanghal nang mahusay ang mga Gawain na naiatang sa bawat pangkat. II.Paksang-Aralin Paksa: San Diego,Kabanata 10 Isinulat ni: Jose P. Rizal Talasanggunian: Batayang Akdang Pampanitikan-Obra Maestra Ikaapat na edisyon pahina 55-57 Kagamitang Pampagtuturo: mga manila paper,pentelpen,larawan,aklat at sipi ng akda Kahalagahang Pangkatauhan: Ang pagmamalasakit sa bayan ay tanda ng mapagmahal na mamamayan. III. Pamamaraan A.Pagganyak Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung paano makakatulong ang mga kabataang katulad nila sa pagpapanatili at pagpapayaman ng likas na yaman ng Pilipinas? B.Paghawan ng Sagabal Upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga malalalim na salita ay magbibigay ang guro ng isang Gawain. Panuto: Isulat ang kasalungat ng bawat salitang may salungguhit sa at gamitin sa pangungusap. 1.Ang mga naaning gulay at palay ay ipinagbibili sa mga mapagsamantalang Intsik. Kasalungat na Salita Pangungusap 2.Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na bukirin. Kasalungat na Salita Pangungusap 3.May isang dampa ang nabubukod sa karamihan. Kasalungat na Salita Pangungusap 4.Ang mga puno rito ay masinsin at malaki. Kasalungat na Salita Pangungusap 5.Naglaho ang matandang Kastila na parang bula. Kasalungat na Salita Pangungusap 6.Matatas managalog an gang matandang Kastila. Kasalungat na Salita Pangungusap 7.Siya ay paminsan minsan na mabagsik. Kasalungat na Salita Pangungusap 8.Ang mga maiilap na hayop ay nangaglipana sa gubat. Kasalungat na Salita Pangungusap 9.Iniibig na siya'y magpapalumagak sa pook na iyon. Kasalungat na Salita Pangungusap 10.Pinilit niyang matunton ay pinagtataguan ng isang hayop. Kasalungat na Salita Pangungusap C.Pagbabasa sa mga Mag-aaral Ipapabasa sa mga mag-aaral ang sipi ng akda ng tahimik.Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng 5-6 na minute sa pagbabasa. D.Pangkatang Gawain Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain at sila ay mahahati sa limang pangkat. UNANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga tauhan gamit ang Character chart. IKALAWANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay gagamitin ang Story Ladder para sa pagbubuod ng akda. IKATLONG PANGKAT:Susuriin ng mga mag-aaral ang makukuhang aral sa kwento at gagawa sila ng munting skit tungkol sa akda. IKA-APAT NA PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng munting dula tungkol sa pangyayaring pinakatumatak sa isipan o ang pinakamahalagang pangyayari sa akda. IKA-LIMANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ang magsisilbing feedbacker sa naging presentasyon ng kanilang kamag-aral. Bago magsimula ang mga mag-aaral ibibigay ng guro ang pamantayan sa pagpupuntos.Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng 5-7 minuto upang gawin ang nakaatang na Gawain. E.Feedback ng Guro Ang guro ay magbibigay ng kanyang kumento tungkol sa ginawa ng bawat pangkat at magpupuntos sa kanilang gawa. F.Synthesis Ang guro ay magbibigay ng isang Gawain na kung saan dudugtungan nila ang mga sumusunod na pahayag.Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng isang buong papel at sasagutan ang mga sumusunod na katanungan. Natutuhan ko na ang kabataan ay maaring makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Nalaman ko na ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at mas lalo itong mapapaunlad sa pamamagitan ng __________________________________________________ Naunawaan ko na nararapat lamang na pangalagaan natin an gating likas na yaman upang_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Makakatulong ako sa pagpapayaman ng isang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang liham na kinapapalooban ng isang plano na kung saan ang pangunahing layunin ay____________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ IV. Takdang-Aralin Basahin ang Kabanata 11-Ang mga Makapangyarihan,pahina 64-66 at sagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1.Sino-sino ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Bakit sila tinawag na makapangyarihan? 2.Paano mo ilalarawan si Padre Bernardo Salvi? 3.Paano ginagampanan ng mga makapangyarihang tao ang kanilang tungkulin sa San Diego? Inihanda ni: Christela Mariz B. Gonzales Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Noli Me Tangere - Ikalawang Araw I.Layunin Sa katapusan ng aralin,100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% ng kasanayan sa : 1.Napag-uusapan ang mga katangian ng nagnanais mamuno sa bansa. 2. Nakapagtatala ng mga kaparaanan kung paano dapat kumilos ang isang pinuno na binigyan ng kapangyarihang makapaglingkod sa bayan. 3. Naitatanghal nang mahusay ang mga Gawain na naiatang sa bawat pangkat II.Paksang-Aralin Paksa: Ang mga Makapangyarihan,Kabanata 11 Isinulat ni: Jose P. Rizal Talasanggunian: Batayang Akdang Pampanitikan-Obra Maestra Ikaapat na edisyon pahina 64-66 Kagamitang Pampagtuturo: mga manila paper,pentelpen,larawan,aklat at sipi ng akda. Kahalagahang Pangkatauhan: Hindi nagmamalaki ang isang taong may kapangyarihan. III. Pamamaraan A.Pagganyak Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung paano dapat kumilos ang isang halal o niluklok at binigyan ng kapangyarihan na makapaglingkod sa bansa?Ano ano nga ang mga katangiang hinahanap nila sa isang magaling na pinuno? B.Paghawan ng Sagabal Upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga malalalim na salita ay magbibigay ang guro ng isang Gawain. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin sa pangungusap. 1.magkaalit 2.pag-aayuno 3.pangingilin 4.supalpal 5.mapagbalatkayo 6.kinikimkim 7.hinahangin sa ulo 8.kinukutya 9.nagigipit 10.nagkukusa C.Pagbabasa sa mga Mag-aaral Ipapabasa sa mga mag-aaral ang sipi ng akda ng tahimik.Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng 5-6 na minute sa pagbabasa. D.Pangkatang Gawain Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain at sila ay mahahati sa apat na pangkat. UNANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga tauhan gamit ang Character Map at tukuyin ang katangian ipinamalas nila sa akda. IKALAWANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay gagamitin ang Event Map para sa pagbubuod ng akda. IKATLONG PANGKAT:Susuriin ng mga mag-aaral ang makukuhang aral sa kwento at magtatala ng mga kaparaanan kung paano dapat kumilos ang isang pinunong may kapangyarihan makapaglingkod sa bayan. IKA-APAT NA PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng munting dula tungkol sa pangyayaring pinakatumatak sa isipan o ang pinakamahalagang pangyayari sa akda. IKA-LIMA PANGKAT: Ang mga mag-aaral ang magsisilbing feedbacker sa naging presentasyon ng kanilang kamag-aral. Bago magsimula ang mga mag-aaral ibibigay ng guro ang pamantayan sa pagpupuntos.Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng 5-7 minuto upang gawin ang nakaatang na Gawain. E.Feedback ng Guro Ang guro ay magbibigay ng kanyang kumento tungkol sa ginawa ng bawat pangkat at magpupuntos sa kanilang gawa. F.Synthesis Ang guro ay magbibigay ng isang Gawain na kung saan dudugtungan nila ang mga sumusunod na pahayag.Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng isang buong papel at sasagutan ang mga sumusunod na katanungan. Natutuhan ko na ang kabataan ay ____________________________________________ ______________________________________________________________________________ Nalaman ko na ang mga may kapangyarihan ay _________________________________ _____________________________________________________________________________ Naunawaan ko na ang bawat mamamayan ay may karapatang malaman ang __________ ______________________________________________________________________________ IV. Takdang-Aralin Basahin ang kabanata 12-Todos Los Santos, mga pahina 71-72 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1.Ano ang ginawa ng dalawang sepulterero sa bangkay ni Don Rafael Ibarra? 2.Bakit galit nag alit ang malaking kura sa bangkay na ipinahukay? 3.Paano ipinakita ng malaking kura ang kanyang kapangyarihan? Inihanda ni: Christela Mariz B.Gonzales Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Noli Me Tangere - Ikatlong Araw I.Layunin Sa katapusan ng aralin,100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% ng kasanayan sa : 1.Napag-uusapan ang kalapastangang ginawa ng malaking kura sa bangkay na itinaponat ipinaanod sa ilog. 2.Nakapagpaplano kung anong pagkilos ang gagawin kung may lalapastangan sa pag-aaring kanila. 3.Nakapagrerekomenda ng maaring batas na maaring isulong upang pangalagaan ang isang pag-aari may buhay man o wala. II.Paksang-Aralin Paksa: Todos Los Santos ,Kabanata 12 Isinulat ni: Jose P. Rizal Talasanggunian: Batayang Akdang Pampanitikan-Obra Maestra Ikaapat na edisyon pahina 71-72 Kagamitang Pampagtuturo: mga manila paper,pentelpen,larawan,aklat at sipi ng akda Kahalagahang Pangkatauhan: Kahit wala ng buhay may karapatan siyang igalang. III. Pamamaraan A.Pagganyak Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung hanggang saan ang kabuktutan ng tao na pati ang patay ay kanyang lalapastanganin?Ano ang gagawin mo kung may lumapastangan sa iyong pagkatao? Ano ang gagawin mo kung may lumapastangan sa iyong mga magulang? B.Paghawan ng Sagabal Upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga malalalim na salita ay magbibigay ang guro ng isang Gawain. Panuto: Bigyan-kahulugan ang salitang may salungguhit sa sumusunod na pangungusap.Hanapin ang salitang kasingkahulugan nito sa loob ng kahon.Isulatang titik ng tamang sagot sa patlang.Gamitin sa pangungusap ang malalim na salita. ____1.Ang krus na gawa sa yero ay napipi ng malakas na bagyo. ____2.Ang sepulterero ay napagod sa paghuhukay ng libingan kaya pawis niya ay tumutulo sa kanyang noo. ____3.Nais makitang binate ang puntod ng kanyang yumaong ama noong siya ay makabalik mula sa Europa. ____4.Taos-puso na nanalangin ang mga tao sa sementeryo. ____5.Si Ibarra ay dumaan sa makipot na iskinita. ____6.Ang pader sa gilid ng sementeryo ay gumuho. ____7. Si Ibarra ay nagtimpi ng kanyang galit. ____8.Siya ay nanghilakbot sa kanyang nakita. ____9.Nag-antada si Ibarra sa tapat ng simbahan. ____10. Tilay nayayamot ang mga tao sa sementeryo dahil sa siksikan. C.Pagbabasa sa mga Mag-aaral Ipapabasa sa mga mag-aaral ang sipi ng akda ng tahimik.Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng 5-6 na minute sa pagbabasa. D.Pangkatang Gawain Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain at sila ay mahahati sa apat na pangkat. UNANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga tauhan gamit ang Detailed Chart at tukuyin ang katangian ipinamalas nila sa akda. IKALAWANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay gagamitin ang Story Board para ipakita ang mahahalagang pangyayari sa akda.Iguguhit ang mahahalagang pangyayari sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod nito. IKATLONG PANGKAT:Susuriin ng mga mag-aaral ang makukuhang aral sa kwento at magsasadula ng isang pangyayari na napapakita ng paggalang sa kapwa o sa kahit ano mang bagay na may buhay o wala. IKA-APAT PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng munting dula tungkol sa pangyayaring pinakatumatak sa isipan o ang pinakamahalagang pangyayari sa akda. IKA-LIMANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ang magsisilbing feedbacker sa naging presentasyon ng kanilang kamag-aral. Bago magsimula ang mga mag-aaral ibibigay ng guro ang pamantayan sa pagpupuntos.Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng 5-7 minuto upang gawin ang nakaatang na Gawain. E.Feedback ng Guro Ang guro ay magbibigay ng kanyang kumento tungkol sa ginawa ng bawat pangkat at magpupuntos sa kanilang gawa. F.Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Isulat sa loob ng panaklong ang T kung tama ang ipinapahayag sa pangungusap at M kung mali ang pahayag. 1.Ang Araw ng kaluluwa ay ipinagdidiwang tuwing unng araw ng Nobyembre.( ) 2.May isang krus kung saan nakasulat ang INRI at mapalad nang mabanaag dahil nabura nan g ulan.( ). 3.Ang iba't ibang hayop na masisilayan loob ng sementeryo.( ) 4.Dalawang guwardiya sibil ang bumalabog sa loob ng sementeryo.( ) 5.ANg kurang malaki ang nag-utos na ipahukay ang bangkay at ilibing sa libingan ng Intsik.( ) 6.Ipinalipat sa libingan ng mga Muslim ang bangkay na ipinahukay na dalawampung araw pa lamang naililibing.( ) 7.Ang bangkay ay itinapon ng supulterero dahil sa malakas na ulan at naalis na ang takip ng ataul.( ). 8.Ang supulterero ay isinubo at hitso at nganga dahil sa hindi matagalan ang matinding amoy ng bangkay.( ) 9.Ang ilang Pilipino ay hindi makita ang libingan ng kanilang namatay na kamag-anak kaya sila ay lumuluhod na lamang para magdasal.( ) 10.Ang mga taong nagkapalad na makita ang nitso ng kanilang yumao ay nagtirik ng kandila.( ) IV. Takdang-Aralin Basahin ang Kabanata 13,-Ang Babala ng Unos, mga pahina 75-77 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1.Ano angkahulugan ng "Babala ng Unos"?Ipaliwanag kung ano ang sinasagisag nitong unos sa buhay ng tao. 2. Ano ang isinalaysay ng utusan kay Crisostomo? 3. Bakit sinalubong ni Crisostomo ang paring nasalubong? Inihanda ni: Christela Mariz B.Gonzales Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Noli Me Tangere - Ika-apat na Araw I.Layunin Sa katapusan ng aralin,100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% ng kasanayan sa : 1. Nakapagpaplano kung paano makakatulong sa pagpapanatiling malinis,mayaman at maganda ng Eco Park. 2. Nakakasulat ng dayalogo na dapat marinig ng mga taong may kapangyarihan na ihahalal ng bayan 3.Nakakagawa ng ginuntuang aral na makukuha mula sa Kabanata 12 na magsisilbing gabay sa araw-araw na pamumuhay. II.Paksang-Aralin Paksa: San Diego-Kabanata 10, Ang mga Makapangyarihan-Kabanata 11 Todos Los Santos-Kabanata 12 Isinulat ni: Jose P. Rizal Talasanggunian: Batayang Akdang Pampanitikan-Obra Maestra Ikaapat na edisyon pahina 55-72 Kagamitang Pampagtuturo: mga manila paper III.Output A.Kabanata 10 Panuto:Sumulat ng isang liham na ibibigay sa pangasiwaan ng Eco Park kung paano mapapanatiling malinis,maganda at mayaman ang lugar. Mga Pamantayan May kaangkupan ang pahayag sa paksa ----------------15 Puntos Kalinisan ng Gawa------------------------------------------------5 Puntos Orihinal na Gawa-------------------------------------------------10 Puntos Kabuuan B.Kabanata 11 Panuto:Gumawa ng dayalogo na dapat marinig ng mga taong may kapangyarihan na ihahalal ng bayan Mga Pamantayan Malinaw ang mga pahayag sa dayalogo--------------15 Puntos Kalinisan ng Gawa-------------------------------------------10 Puntos Orihinal na Gawa---------------------------------------------10 Puntos Kabuuan C.Kabanata 12 Panuto: Sumulat ng isang ginuntaang aral na maaring maging gabay sa araw-araw na pamumuhay.Ilagay ito sa illustration board at lagyan ng disenyo Mga Pamantayan Kaangkupan ng tema sa paksa----------------------------15 Puntos Kalinisan ng Gawa---------------------------------------------10 Puntos Disenyo----------------------------------------------------------5 Puntos Kabuuan Inihanda ni: Christela Mariz B. Gonzales |